Biniyayang Pakikisama at Pag-aaral: Lakbay Sanaysay Ukol sa Mt. Horeb Camp

Ang Mount Horeb Camp ay isang school retreat na tumutulong sa ating espirituwal at holistik na pagbabago. Ito ay ginaganap bawat taon sa Philippine Darakbang Theological College sa Caba, La Union, isa sa mga paaralan na kaugnay ng Remnant International College sa Baguio City. Itinatag ito upang bigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataong makihalubilo sa isa’t isa nang wala sa paaralan sa pamamagitan ng pagsali sa mga laro na nakapagtitibgay ng pagsasama ng bawat mag-aaral at upang lumago ang kanilang pananampalataya sa Panginoon na ating pinaglilingkuran sa pamamagitan ng pakikinig sa mabuting salita. Mula sa ganapin na ito, may mga aral na puwedeng madulot dito na maaari nating isaisip at isapuso.

Sa mga araw na naroroon ang mga mag-aaral ng Remnant International College, matatanto nila na ang paaralan kung saan ginanap ang Mt. Horeb Camp ay may mga problema na nakakadismaya. Pero ito ay may maaaring maidulot na aral kung sila lamang ay hindi lang nakatuon ang pansin sa paggamit ng mobile phones. Ang mga problema ay magiging kadisma-dismaya kung ang mga tao ay titingnan iyon bilang nakakadismaya. Dahil tingin nila sa mga problema ng paaralan ay nakakainis, nakakadismaya o nakakagalit, mananatili lang iyon kung ano ang tingin nila roon.

Bago ganapin ang Mount Horeb Camp, binibigyan ng oras ang mga mag-aaral na maghanda kasama ang kanilang mga kapangkat bagama’t sila ay gagawa ng kanilang mga chants, yells, at group presentations. Matututunan ng bawat miyembro ng mga pangkat na kailangang magtulong-tulungan upang makamit ang tagumpay para sa kanilang pangkat. Kung walang pakikisama ang lahat, hindi nila maaabot ang kanilang kailangang abutin.

Ang Mt. Horeb Camp ay maraming aral na maaaring maidulot. Itong school retreat na ginaganap sa PDTC bawat taon ay may maraming nagrereklamo dahil sa mga isyus na nakakadismaya, nakakainis, o nakakagalit. Subalit, marami ring matutunan sa Mount Horeb Camp kung ang mga mag-aaral ay tumingin mula sa ibang anggulo. Maaaring maging kasiya-siya ang pagsali sa Mount Horeb Camp.